State visit ni Pangulong Marcos sa Malaysia nagbunga ng US$285 million na halaga ng investments
Nagbunga ng US$285 million na halaga ng investment ang tatlong araw na state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malaysia.
Ayon sa pangulo, ang nasabing halaga ng investment commitments ay mula sa Malaysian business leaders na nangakong palalawigin ang kanilang pamumuhunan at operasyon ng negosyo sa Pilipinas.
Sinabi ni Pangulong Marcos na nagpahayag ng interest mga Malaysian business leaders na mag-invest sa food processing industry, multi-service digital platforms, aviation, aviation maintenance support services, logistics, manufacturing, infrastructure, at water and wastewater treatment sa bansa.
“I had the benefit of meeting a number of Malaysian businesses in the key sectors of agriculture, transportation, and technology,” sinabi ng pangulo.
Sa pakikipagpulong sa mga negosyante sa Malaysia, binanggit ng pangulo ang magandang senyales ng economic recovery ng baansa kasunod ng mga hamon na naidulot ng COVID-19 pandemic.
Patunay aniya dito ang naitalang 7.6 GDP growth noong nakaraang taon.
“For the first quarter of this year, the Philippines outperformed its peers in the region by posting the GDP growth of 6.4%, that is the first quarter, which is within the country’s 6 to 7 percent target for the year,” dagdag pa ng pangulo.
Siniguro din ng pangulo sa mga negosyante na patuloy na naghahanap ng pamamaraan ang kaniyang administrasyon para matiyak ang conducive business environment para sa mga foreign investors. (DDC)