Traffic management plan para sa 2023 FIBA World Cup pinaghahandaan ng MMDA

Traffic management plan para sa 2023 FIBA World Cup pinaghahandaan ng MMDA

Muling nagsagawa ngayong araw ng coordination meeting ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa pagdaraos ng 2023 FIBA World Cup sa susunod na buwan.

Sa pagpupulong na pinangunahan nina MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes at MMDA Traffic Discipline Office Director for Enforcement Atty. Victor Nuñez, pinag-usapan ang posibleng pagkakaroon ng moratorium sa road diggings at mall sale.

Inatasan ni Atty. Artes ang Department of Public Works and Highways na magsumite ng work plan kung saan tutukuyin ang mga lugar na kinakailangang sumailalim sa reblocking bago maisagawa ang prestihiyosong event.

Inihahanda na rin ng MMDA ang traffic management plan para sa 2023 FIBA World Cup.

Ipagagamit rin ng ahensiya ang bago nitong command center kung saan maaaring magmonitor ang ibang mga opisyal at delegado ng FIBA.

Dumalo sa nabanggit na coordination meeting si Atty. Rogen Covarrubias ng Office of the Executive Secretary at mga kinatawan mula sa FIBA-Local Organizing Committee, PNP-Highway Patrol Group, NCRPO, I-ACT, Manila International Airport Authority, Ninoy Aquino International Airport Expressway, at Metro Pacific Tollways Corporation.

Gaganapin ang 2023 FIBA World Cup mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *