LPA sa labas ng bansa naging ganap na bagyo; papasok sa PAR sa weekend
Isa ng ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng bansa.
Ayon sa PAGASA, ang tropical depression ay nasa silangan ng Eastern Visayas at wala pang direktang epekto sa bansa.
Sinabi ng PAGASA na sa Sabado (July 29) ng gabi o sa Linggo (July 30) ng umaga ay posibleng pumasok ng bansa ang bagyo.
Papangalanan itong Falcon pagpasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Maaaring mapalakas din ng nasabing bagyo ang Habagat na makapagdudulot ng pag-ulan sa western sections ng Luzon at Visayas simula sa Sabado.
Gayunman, sinabi ng PAGASA na maaari pang mabago ang nasabing scenario depende sa magiging track at intensity at sa paglakas ng bagong bagyo. (DDC)