Abra, ilang bahagi ng Benguet wala pa ding suplay ng kuryente – NGCP

Abra, ilang bahagi ng Benguet wala pa ding suplay ng kuryente – NGCP

Nananatiling walang suplay ng kuryente sa mga munisipalidad sa Abra at sa ilang bahagi ng Benguet.

Ayon sa update ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), hindi pa rin gumagana ang
San Esteban-Bangued 69kV Line kaya walang suplay ng kuryente ang mga costumer ng ABRECO.

Samantala, unavailable din ang Itogon-Ampucao 23kV Line at apektado nito ang BENECO na nagsusuplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Benguet.

Wala pa ring suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Baguio City, Itogon, at Tuba, Benguet at sa bahagi ng Sison, Pangasinan.

Ayon sa NCGP, patuloy ang pagsasaayos ng kanilang mga tauhan sa mga apektadong linya.

Samantala naibalik naman na ang suplay ng kuryente sa iba pang lugar sa Luzon na naapektuhan ng bagyong Egay. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *