Bagyong Egay nakalabas na ng bansa; Tropical Cyclone Wind Signal nakataas pa rin sa ilang lugar sa Luzon

Bagyong Egay nakalabas na ng bansa; Tropical Cyclone Wind Signal nakataas pa rin sa ilang lugar sa Luzon

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Egay.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 255 kilometers West ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 150 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong north northwest.

Kahit nakalabas na ng bansa nananatiling umiiral ang Tropical Cyclone Wind Signals sa ilang lugar sa Luzon.

Ayon sa PAGASA, nakataas ang Signal No. 2 sa sumusunod na mga lugar:

– Batanes
– northwestern portion ng Cagayan (Claveria, Santa Praxedes) kabilang ng Babuyan Islands
– northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Bangui, Dumalneg, Burgos)

Signal No. 1 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:

– Pangasinan
– La Union
– Ilocos Sur
– rest of Ilocos Norte
– rest of Cagayan
– Apayao
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– Abra
– Benguet
– Isabela
– Quirino
– Nueva Vizcaya
– northern portion ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dilasag)
– northern portion ng Nueva Ecija (Cuyapo, Guimba, Pantabangan, Science City of Muñoz, Carranglan, San Jose City, Lupao, Nampicuan, Talugtug)
– northern portion ng Tarlac (Paniqui, Moncada, Pura, Camiling, Ramos, San Manuel, Anao, San Clemente)

Ayon sa PAGASA ang Habagat na pinalalakas ng bagyo ay ay magdudulot pa rin ng pag-ulan sa western portions ng Central Luzon at Southern Luzon sa susunod na tatlong araw.

Sa kabila ng paglabas na ng bansa, patuloy na magpapalabas ng update ang PAGASA hinggil sa bagyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *