Bagyong Egay bahagyang humina; Signal No. 2 nakataas pa rin sa pitong lugar sa Luzon

Bagyong Egay bahagyang humina; Signal No. 2 nakataas pa rin sa pitong lugar sa Luzon

Bahagyang humina ang Typhoon Egay na ngayon ay nasa bahagi ng Luzon Strait sa kanluran ng Batanes.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 195 kilometers west ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 150 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa sumusunod na mga lugar:

– Batanes
– Cagayan including Babuyan Islands
– Apayao
– Kalinga
– Abra
– Ilocos Norte
– northern and central portion of Ilocos Sur (Magsingal, San Esteban, Banayoyo, Burgos, City of Candon, Santiago, San Vicente, Santa Catalina, Lidlidda, Nagbukel, Sinait, San Ildefonso, Galimuyod, City of Vigan, San Emilio, Cabugao, Caoayan, San Juan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Santa Maria, Narvacan)

Signal No. 1 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:

– Isabela
– Quirino
– Nueva Vizcaya
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– rest of Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– Aurora
– Nueva Ecija
– Tarlac
– northern portion of Zambales (Botolan, Iba, Candelaria, Cabangan, Palauig, Santa Cruz, Masinloc)

Ayon sa PAGASA anumang oras ngayong araw ay lalabas na ng bansa ang bagyo.

Gayunman, ang Habagat na pinalalakas ng bagyo ay patuloy na magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *