Agarang pagpapadala ng tulong sa Ilocos Norte iniutos ng DSWD
Iniutos ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian ang agad na pagpapadala ng 10,000 family food packs sa Ilocos Norte na isinailalim sa state of calamity dahil sa pinsala ng bagyong Egay.
Ayon kay Gatchalian, maglalaan din ang DSWD ng emergency cash transfer (ECT) sa mga apektadong pamilya sa nasabing lalawigan.
Patuloy ang koordinasyon ng DSWD – Field Office 1 sa mga lokal na pamahalaan para sa agarang pagpapadala ng tulong sa mga apektadong lugar.
Tiniyak naman ni Ilocos Regional Director Ma. Angela Gopalan na ang Field Office sa Ilocos Region ay may sapat na relief suupplies.
Kabilang dito ang mahigit 88,000 na family food packs na nagkakahalaga ng P63.8 million, 1,451 na piraso ng bottled water, at iba pang suplay.
Nagdeklara ng state of calamity sa Ilocos Norte dahil sa matinding pinsala na dulot ng Typhoon Egay. (DDC)