Bangkay natagpuan na nakabaon sa septic tank sa Bilibid
Hiniling ng Bureau of Corrections (BuCor) ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) Forensic Science Research Service upang umasiste sa pagkuha at pagtukoy sa pagkakakilanlan ng isang person deprived of liberty (PDL) na napaulat na nawawala.
Pinaniniwalaan kasing ito ang nadiskubreng nakabaon sa isang septic tank sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Bago hilingin ang tulong ng NBI ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. base sa rekomendasyon ni J/SInsp Angelina Bautista (Ret.), OIC-Deputy Director for Operations at NBP Superintendent, unang inihirit ang tulong ng K9 Force ng Philippine Coast Guard para sa search and rescue ng PDL na si Michael Cataroja, 25-anyos, na iniulat na missing o nawawala simula noong July 15.
Ang BuCor at PCG sa pag-asiste ng kanilang search and rescue dogs na sinanay sa pagpick up ng amoy ng tao ay sinimulan ang kanilang operasyon noong Biyernes subalit hindi nahanap ang PDL kaya dinala ang kanilang cadaver dogs na mahusay sa pagdetect ng mga naaagnas na katawan.
Ayon kay Bautista naamoy ng cadaver dog sa direksiyon ng septic tank sa loob ng NBP Quadrant 3 dorm 8 kaya tinawagan nila ang NBI forensic.
Habang isinusulat ang balitang ito, ang NBI ay patuloy na nangongolekta bg ebidensiya o nagsasagawa ng field tests sa lugar kung saan umano nangyari ang krimen.
Si Cataroja ay dinala sa NBP noong July 26, 2022 matapos hatulan ng 12 na taon hanggang 20-taon dahil sa paglabag sa PD 1612 o Anti-Fencing Act Law.
Siya ay mayroon pang nakabinbin na kaso ng carnaping sa Regional Trial Court Branch 71 sa Antipolo City.
Base sa imbestigasyon, natuklasang nawawala si Cataroja sa kasagsagan ng pagbibilang o imbentaryo ng PDLs umaga ng July 15 at hinanap siya ng buong araw ng kanyang kapwa inmates kung saan hindi lamang ito ang unang nawala si Cataroja na sumulpot at nagpakita noon ng sumunod na araw.
Matapos ang mahigit 12 na oras na hindi nahanap si Cataroja at hindi pa rin makita kaya inireport na ang insidente sa Maxecom duty officer.
Sinabi ni Bautista na habang hinahanap si Cataroja sa loob ng NBP, nakipag-ugnayan sila sa mga miyembro ng PNP para sa manhunt ni Cataroja sa huli niyabg tirahab sa Sitio Manahan Bato, Barangay Don Mariano, San Isidro, Antonio, Rizal.
Ipinabatid ng team kay Bautista na ang nanay ni Cataroja ay umalis ng bahay at lumipat ng probinsiya sa halip na makipagtulungan sa kanila. (Bhelle Gamboa)