Emergency response capabilities ng Las Piñas DRRMO pinagbubuti

Emergency response capabilities ng Las Piñas DRRMO pinagbubuti

Pinagbuti pa ng Las Piñas City Disaster Risk Reduction and Management Office (LPCDRRMO) ang kanyang emergency response capabilities at isulong ang kaligtasan ng komunidad.

Kaugnay nito matagumpay ang inorganisa ng LPCDRRMO na 2023 First Aid Olympics sa Aguilar Sports Complex sa Brgy. Pilar Village kung saan nagsama-sama ang mga opisyal ng barangay sa lungsod upang ipakita ang kanilang kakayahan at kaalaman sa paglalapat ng first aid o paunang lunas.

Nagpamalas ng husay at galing ang mga kinatawan ng mga barangay sa pamamahala ng iba’t ibang emergency scenarios.

Layunin ng kompetisyon na mapagbuti rin ang samahan at pagkakaibigan ng mga lokal na leaders habang nabibigyan sila ng pamamaraan sa pagliligtas ng buhay.

Sa pagtuon sa praktikal na aplikasyon, ang mga partisipante ay sumailalim sa pagsasanay sa mga emergency situations tulad ng medical emergencies, mga aksidente at kalamidad.

Nabigyan sila ng positibo at magandang pananaw upang lalong matatag ang komunidad sa darating pang mga taon. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *