Maraming transmission lines naapektuhan ng bagyong Egay – NGCP
Maraming transmission lines sa Luzon ang hindi gumagana matapos maapektuhan ng Typhoon Egay.
Ayon sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), “unavailable” pa ang transmission lines ng AURELCO at walang suplay ng kuryente ang mga bayan ng Dingalan, San Luis, Maria Aurora, Baler at Dipaculao sa lalawigan ng Aurora.
Wala ring kuryente sa lahat ng munisipalidad sa lalawigan ng Abra.
Samantala, partial naman ang power transmission services sa iba pang lugar sa Luzon, gaya ng Nueva Ecija, Cagayan, Ilocos Sur, La Union at Benguet.
Tiniyak ng NGCP na naka-deploy na ang kanilang mga line crew para mag-inspeksyon sa mga naapektuhang linya ng kuryente.
Nagsasagawa na din ng simultaneous restoration activities sa mga lugar na ligtas ng magsagawa ng aktbidad. (DDC)