Pangulong Marcos tiniyak ang pagkilos ng pamahalaan sa mga lugar na apektado ng bagyong Egay
Patuloy ang pag-monitor ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa epekto ng bagyong Egay sa bansa kahit ito ay nasa state visit sa Malaysia.
Ayon sa pangulo, tuluy-tuloy ang pagkilos ng pamahalaan para maaksyonan ang pinsalang dulot ng bagyo.
May nakahanda aniyang mahigit P173 million na stand-by funds at food at non-food items.
Naka-deploy na rin ang search, rescue and retrieval personnel mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine Coast Guard (PCG).
Sinabi pa ng pangulo na naibalik na ang kuryente sa 93.53% ng mga apektadong munisipalidad. (DDC)