BuCor Modernization pinagbabatayan ng administrasyong Marcos
Ang Bureau of Corrections (BuCor) ng Department of Justice (DOJ) ay responsable para sa safekeeping o pangangalaga at rehabilitasyon ng Persons Deprived of Liberty (PDL), na nahatulang makulong ng mahigit tatlong taon sa pamamagitan ng pag-aalok ng repormasyon ng mga programa na nagpapanatili sa kapaligiran at seguridad.
Sa pagtalima sa kambal na mandato ng institusyon, palalakasin pa ang seguridad ng PDL sa ilalim ng kanilang kustodiya ng operasyong 24/7 duty sa loob at labas ng prison camps ng BuCor sa buong bansa kasama na ang pagsasagawa ng regular na greyhound at searching operations upang paigtingin ang kampanya laban sa pagkalat ng mga kontrabando, at naglalayong magbigay ng tunay na pagbabago sa asal ng PDL bilang mamamayang masunurin sa batas at produktibong miyembro ng lipunan.
Noong panahon ni dating Director General Usec Gerald Bantag,pinalakas nito ang workforce sa correctional facility sa pamamagitan ng pagtanggap ng maraming kuwalipikadong tauhan na nagtataglay ng integridad, vigilant,inobasyon at may takot sa Diyos bilang mahalagang katangian ng BuCor.
Iprinayoridad din ang pagtanggap ng medical professionals dahil sa mataas na banta sa mga kaso ng Covid-19.
Inialok din ang “Libreng Sakay” sa mga dalaw o bisita na pawang miyembro ng pamilya ng PDL o mahal sa buhay doon sa Minimum at Medium Security Compound at Reception and Diagnostic Center, para bigyan sila ng maginhawang karanasan sa pagpasok sa NBP Reservation Camps.
Nag-organisa ang BuCor ng Culminating Programs para pabilisin ang pagpapalaya ng PDL na kuwalipikado sa clemency,lalo na ang mga senior citizens dahil ito sa suporta at hakbang ng DOJ, Public Attorney’s Office (PAO), Board of Pardons and Parole (BPP) kasama ang Bureau’s Directorate for External Relations (DER), External Affairs Section (EAS), Inmates Documents Processing Division (IDPD), Management Screening Evaluation Committee (MSEC), at ng Separation Center Office ng lahat ng Operating Prisons and Penal Farms (OPPF).
Noong October 24, 2023, itinalaga si General Gregorio Pio Catapang Jr. bilang Officer-In-Charge ng BuCor ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla hanggang sa maging Acting Director General matapos mag-isyu ng preventive suspension kay DG Bantag dahil sa “Percy Lapid” slay case kung saan ang kanyang misyon ay “Restore Ethics, Fairmindedness, Orderliness, Righteousness, at Morale na nakasentro sa Diyos at ang mapagmalasakit na mga serbisyo ng corrections na naging bagong mantra ng Bureau.
Sa pamamahala ni Catapang ay nakamit na ang iba’t ibang accomplishment o tagumpay sa BuCor kabilang na rito ang pagsugpo sa mga kontrabando sa mga pasilidad ng piitan,pagkakaroon ng modernong teknolohiyang kagamitan na nagpapalakas sa implementashon ng security measures sa New Bilibid Prison (NBP) at sa lahat ng OPPF kasama na rito ang Walkthrough Body Scanners, Portable Metal Detector, X-ray Machine, Facial Recognition CCTV Camera, Monitor Detector, Laser Detector, Cellphone Locator at Aerial Drone.
Nagkaloob din si Catapang ng disenteng libing sa mga labi ng PDL na walang nagclaim sa NBP Cemetery, Muntinlupa City noong huling quarter ng 2022.Nakakumpiska ng libu-libong ipinagbabawal na items kabilang ang 7,505 cans of beer, 1,314 deadly weapons, at 1,142 communication devices mula sa NBP Camps.
Binuksan din ang bagong gawang NBP Hospital na mayroong 300 bed-capacity na target maabot ang kailangang requirements ng level 2 healthcare facility alinsunod sa umiiral na akreditasyon ng Department of Health (DOH). Ang International Committee ng Red Cross ay nagdonate ng laptops, Internet Service Provider (ISP), fiber optic transceivers, patch cords, units ng network switch at iba pang office and school supplies na ginagamit sa E-Dalaw at E-Burol para sa virtual communications sa pagitan ng PDL at kanilang pamilya.
Ginagawa na rin ng BuCor ang pagtugon sa mga hamon ng kanilang mga tauhan at paluwagin ang lahat ng OPPFs.
March 23,2023 nang opisyal na itinalaga ng Pangulo si Catapang bilang Director General ng BuCor kung saan sa ilalim ng kanyang administrasyon ay umabot na sa anim na Culminating Programs ang naisagawa para palayain ang libu-libong PDL .Nakipagkasundo rin ang BuCor sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang bigyan ng programang pangkabuhayan gaya ng “Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers” (TUPAD Program) at “PUHUNAN” packages na P20,000 hanggang P30,000 na pakikinabangan ng PDL na magkaroon ng potenaiyal na kita sa kanilang pagnunumbalik sa lipunan.
Nangako rin ang BuCor na palakasin pa ang ugnayan nito sa mga mamamahayag ng BuCor Press Corps. Habang pansamantalang ipinagamit ang BuCor’s prison facilities sa mga indibiduwal na hinuli ng NBI noong March 2023.
Suportado ng BuCor ang administrasyong Marcos sa pamamagitan ng paghahatid ng mapagmalasakit na katarungan partikular sa PDL at sa mga nasupil ang karapatan, a
at ang tuluy-tuloy na pagbibigay ng dekalidad na serbisyo sa corrections system. (Bhelle Gamboa)