Mahigit 11,000 stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong Egay

Mahigit 11,000 stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong Egay

Mahigit 11,000 na katao na ang stranded sa mga pantalan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Southern Luzon at NCR-Central Luzon dahil sa bagyong Egay.

Ayon sa datos mula sa Philippine Coast Guard, sa mga pantalan sa Bicol, nakapagtala ng 6,716 na katao na stranded, 26 barko at 1,226 na rolling cargoes.

Samantala, sa mga pantalan sa Eastern Visayas, mayroong 2,635 na katao ang stranded, 7 barko, 532 rolling cargoes at 2 motorbancas.

Habang sa Southern Tagalog, 1,389 na katao ang stranded, 39 na barko, 272 rolling cargoes at 25 motorbancas.

Sa NCR-Southern Luzon naman, nakapagtala ng 360 na kataong stranded at 1 barko.

Sa nasabing mga rehiyon, nakapagtala din ng 111 na barko at 67 motorbancas na pansamantalang nagkanlong para matiyak ang kaligtasan dahil sa bagyong Egay. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *