Signal No. 5 itinaas ng PAGASA sa eastern portion ng Babuyan Islands dahil sa Super Typhoon Egay
Itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa eastern portion ng Babuyan Islands dahil sa bagyong Egay.
Sa 2PM weather bulletin na inilabas ng PAGASA ngayong Martes (July 25), ang bagyo ay huling namataan sa layong 230 kilometers East Northeast ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa eastern portions ng Babuyan Islands.
Ayon sa PAGASA, matinding pag-ulan ang mararanasan sa nasabing lugar dulot ng bagyo.
Signal No. 4 naman ang nakataas sa northeastern portion ng mainland Cagayan kabilang ang Santa Ana at Gonzaga) and at sa nalalabing bahagi pa ng Babuyan Islands.
Signal No. 3 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:
– northeastern portion of Isabela (Divilacan, Maconacon, Palanan, Santa Maria, San Pablo, Santo Tomas, Cabagan, Tumauini)
– rest of Cagayan
– Apayao
– eastern portion of Ilocos Norte (Vintar, Adams, Pagudpud, Dumalneg, Nueva Era, Carasi, Bangui, Piddig, Solsona)
– northeastern portion of Kalinga (Rizal, Pinukpuk)
– Batanes
Nakataas ang Signal No. 2 sa sumusunod na mga lugar:
– rest of Isabela
– northern and central portions of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
– Quirino
– rest of Kalinga
– northeastern portion of Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Solano, Bayombong)
– rest of Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– Abra
– Mountain Province
– Ifugao
– northern portion of Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Kibungan, Atok)
– northern portion of La Union (Bangar, Sudipen, Luna, Balaoan, Santol)
Habang Signal No. 1 namamn ang nakataas sa:
– Quezon including Pollilo Islands
– rest of Aurora
– rest of Nueva Vizcaya
– rest of Benguet
– rest of La Union
– Nueva Ecija
– Pangasinan
– Tarlac
– Zambales
– Bulacan
– Pampanga
– Bataan
– Marinduque
– Cavite
– Metro Manila
– Rizal
– Laguna
– Batangas
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Albay
– Catanduanes
Ayon sa PAGASA, posibleng mag-landfall ang bagyo sa Babuyan Islands o sa northeastern mainland Cagayan ang bagyo Martes ng gabi o Miyerkules ng umaga.
Lalabas ito ng bansa sa Huwebes at didiretso sa Taiwan Strait. (DDC)