Resignation ng 18 mataas na opisyal ng PNP kabilang ang 3 heneral, tinanggap ni Pangulong Marcos
Tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang resignation ng labingwalong Third-Level Officers ng Philippine National Police (PNP) na umano ay sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga.
Ito ay base sa rekomendasyon ng the National Police Commission Ad Hoc Advisory Group na nagsagawa ng imbestigasyon sa usapin.
Sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) ay una ng inanunsyo ng pangulo na tatanggapin ang resignation ng mga police officials.
Sa kaniyang liham sa pangulo, sinabi ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. na masusing imbestigasyon ang ginawa ng Ad Hoc Advisory Group sa pagkakasangkot ng umano ay 953 na Third Level Officers sa illegal drugs activities.
Sa 953 na inimbestigahan, inirekomenda ng ad hoc na tanggapin ang resugnation ng mga sumusunod na opisyal:
1. PBGEN Remus Balingasa Medina O-10038
2. PBGEN Randy Quines Peralta O-05124
3. PBGEN Pablo Gacayan Labra II O-03734
4. PCOL Rogarth Bulalacao Campo O-08477
5. PCOL Rommel Javier Ochave O-08085
6. PCOL Rommel Allaga Velasco O-08084
7. PCOL Robin King Sarmiento O-03552
8. PCOL Fernando Reyes Ortega O-07478
9. PCOL Rex OrdoƱo Derilo O-10549
10. PCOL Julian Tesorero Olonan O-12395
11. PCOL Rolando Tapon Portera O-07520
12. PCOL Lawrence Bonifacio Cajipe O-12905
13. PCOL Dario Milagrosa Menor O-07757
14. PCOL Joel Kagayed Tampis O-08180
15. PCOL Michael Arcillas David O-07686
16. PCOL Igmedio Belonio Bernaldez O-12544
17. PCOL Rodolfo Calope Albotra Jr O-08061
18. PCOL Marvin Barba Sanchez O-08043
Sinabi ni Acorda na magpapalabas ng kautusan sa lalong madaling panahon na nagtatanggal sa nasabing mga opisyal sa kani-kanilang posisyon.
Pansamantala ay ia-assign sila sa Personnel Holding and Accounting Unit, Directorate for Personnel and Records Management habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. (DDC)