One Town, One Product program malaki ang maitutulong sa maliliit na negosyante – Sen. Bong Go

One Town, One Product program malaki ang maitutulong sa maliliit na negosyante – Sen. Bong Go

Isinusulong ni Senator Christopher “Bong” Go ang One Town, One Product (OTOP) program na inaasahang lilikha ng livelihood opportunities at makatutulong sa pamumuhay ng mga mamamayan na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1594 ni Go, layon na gawing institutionalize ang OTOP Philippines Program na magsisilbing stimulus program ng gobyero para makatulong sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa bansa sa pamamagitan ng pagsuporta sa indigenous raw materials, local traditions, at cultures.

Tutulungan sa OTOP Program ang mga MSMEs para sa kalidad, product development, design, packaging, standards compliance, marketability, production capability, brand development, sustainability, at pagkuha ng lisensya, kabilang ang product registration at iba pang market authorization.

“The COVID-19 pandemic brought forth unprecedented challenges, leaving countless individuals unemployed and businesses struggling to stay afloat. That is why I remain dedicated to finding sustainable solutions to help those in need,” pahayag ni Go sa kaniyang video message kamakailan sa isinagawang relief effort sa Science City of Muñoz, sa Nueva Ecija.

Naniniwala si Go na epektibong pamamaraan ang OTOP para sa promosyon ng local products at pagkakaroon ng inclusive economic growth.

“Backbone ng ating ekonomiya ay ang MSMEs. Ito po ‘yung mga dapat nating bigyan ng importansya, pagtuunan natin (ng pansin), tulungan natin na lumago. Bigyan natin sila ng bagong pag-asa. Palakasin (natin) ang kanilang kabuhayan para makaahon po tayo sa krisis dulot ng COVID-19,” dagdag ng senador.

Sa isinagawang relief efforts sa Barangay Pag-asa gymnasium, umabot sa 162 na residente ang nabigyan ng tulong.

Namahagi ang team ng senador ng masks at snacks. May ilan ding nakatanggap ng t-shirt, sapatos at bola ng basketball.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) naman ay nagbigay ng tulong-pinansyal sa ilang residente.

Samantala, pinayuhan ni Go ang mga residente na lumapit sa Malasakit Centers kapag nangangailangan ng tulong medikal.

Ang mga indigent na pasyente sa Nueva Ecija ay maaaring magtungo sa Malasakit Centers sa Eduardo L. Joson Memorial Hospital at Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center, na nasa Cabanatuan City; gayundin sa Talavera General Hospital sa bayan ng Talavera.

Magkakaroon din ng Super Health Center sa Science City of Muñoz, Cabanatuan City, at sa mga bayan ng San Leonardo, Aliga, Bongabon, Llanera, Zaragoza, Sto. Domingo at Rizal.

Iaalok ng Super Health Centers ang mga serbisyo gaya ng database management, out-patient, birthing, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray and ultrasound), pharmacy and ambulatory surgical unit. Other available services are eye, ear, nose, and throat (EENT) service, oncology centers, physical therapy and rehabilitation center at telemedicine. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *