Paalala ng MMDA sa mga riders ngayong tag-ulan, “Magdala ng kapote, huwag maging kamote”

Paalala ng MMDA sa mga riders ngayong tag-ulan, “Magdala ng kapote, huwag maging kamote”

Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorcycle riders na iwasan ang magkumpulan o gawing silungan ang mga ilalim ng tulay at footbridges tuwing umuulan.

Ngayong panahon ng tag-ulan, sinabi ng MMDA na dapat laging may dalang kapote ang mga rider.

Ayon sa MMDA, mayroong mga motorcycle emergency lay-by sa ilalim ng mga flyovers sa EDSA para magamit ng riders kung sakaling kailanganin huminto panandalian para magsuot ng kapote at iba pang safety gears.

Pakiusap ng ahensya, sumunod sa mga alintuntunin para sa kaligtasan ng lahat at upang maiwasan ang mga aksidente at matinding trapiko sa Metro Manila. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *