Bagyong Egay lumakas pa bilang Super Typhoon; Signal No. 3 nakataas sa 4 na lugar sa bansa
Lumakas pa at umabot na sa Super Typhoon category ang bagyong Egay.
Sa 8AM weather bulletin na inilabas ng PAGASA ngayong Martes (July 25), ang bagyo ay huling namataan sa layong 310 kilometers East ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa sumusunod na mga lugar:
– Babuyan Islands,
– northern and eastern portions of mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, PeƱablanca, Gattaran, Lal-Lo, Alcala, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Claveria, Pamplona, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Lasam, Baggao, Amulung, Iguig)
– northeastern portion of Isabela (Divilacan, Maconacon, Palanan), – northern portion of Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol)
Signal No. 2 naman ang nataas sa sumusunod na mga lugar:
– Batanes
– rest of mainland Cagayan
– rest of Isabela
– Quirino
– northern portion of Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Solano, Bayombong)
– rest of Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao
– northern portion of Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Kibungan)
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– northern and central portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
Habang Signal No. 1 naman sa sumusunod na lugar:
– La Union
– Pangasinan
– rest of Benguet
– rest of Nueva Vizcaya
– rest of Aurora
– Zambales
– Bataan
– Nueva Ecija
– Tarlac
– Pampanga
– Bulacan
– Metro Manila
– Rizal
– Laguna
– Cavite
– Batangas
– Quezon
– Marinduque
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Catanduanes
– Albay
– Sorsogon
– Burias Island
– Ticao Island
Ngayong araw, makararanas ng lagpas sa 200 millimeter na pag-ulan sa mainland Cagayan. Apayao at Ilocos Norte.
100 hanggang 200 millimeter na pag-ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Sur, Abra, northern portion ng La Union, western portion ng Kalinga, at sa nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, mainland Cagayan, at Apayao.
Uulanin din ang Batanes, northern at eastern portions ng Isabela, northern portion ng Zambales, at nalalabing bahagi ng Ilocos Region at Cordillera Administrative Region.
Ayon sa PAGASA, posibleng mag-landfall ang bagyo sa Babuyan Islands p sa mainland Cagyaan area Martes ng gabi o Miyerkules ng tanghali.
Lalabas ito ng bansa sa Huwebes at didiretso sa Taiwan Strait. (DDC)