Mga paaralan ihahanda para sa hybrid at high-tech learning

Mga paaralan ihahanda para sa hybrid at high-tech learning

Patuloy na tinutugunan ng pamahalaan ang kakulangan sa silid-aralan at iba pang pasilidad sa mga paaralan.

Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay na din ng napipintong pagbubukas ng School Year 2023-2024 kung saan aabot sa 28.4 million na mag-aaral ang magbabalik-eskwela.

Sinabi ng pangulo sa kaniyang SONA na patuloy ang pagtatayo ng mga bagong paaralan at mga pasilidad, at ang mga mayroong sira ay inaayos.

Sa datos mula sa Presidential Communications Office (PCO), nakapagtayo na ng karagdagang 187 na silid-aralan at 1,014 na school health facilities.

Habang natapos na ang repair ng 2,259 na mga classroom.

Maliban dito, target din ng gobyerno na gawing handa sa hybrid at high-tech learning ang mga eskwelahan.

Kailangan din aniyang maging climate-ready at disaster proof ang mga ito.

Binanggit din ng pangulo sa kaniyang SONA ang pag-recalibrate sa K to 10 curriculum upang matiyak na ito ay nakasasabay sa international standards. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *