Full household-electrification sisikapin hanggang matapos ang termino ni Pangulong Marcos

Full household-electrification sisikapin hanggang matapos ang termino ni Pangulong Marcos

Umabot na sa 500,000 na kabahayan ang nabigyan ng access sa suplay ng kuryente sa unang isang taon sa puwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa kaniyang State of the nation Address (SONA), sinabi ng pangulo na sa pagtatapos ng kaniyang termino, target ng administrasyon na makamit ang “full household-electrification”.

Ayon sa pangulo, target ng pamahalaan na pagsapit ng taong 2030, ang renewable energy ay mag-aambag ng 35 percent sa power mix sa bansa at 50 percent pagsapit ng taong 2040.

Sinabi ng pangulo na may naitayo ng karagdagang 8 power plants at 17 power generation facilities pa ang napagana.

Nagresulta ito sa pagtaas ng energy production ng 1,174 megawatts. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *