Mahigit 5,500 stranded sa mga pantalan sa Bicol, Eastern Visayas at Southern Tagalog
Mahigit 5,500 na katao na ang stranded sa mga pantalan sa Bicol Region, Eastern Visayas at Southern Luzon dahil sa bagyong Egay.
Ayon sa datos mula sa Philippine Coast Guard, sa mga pantalan sa Bicol, nakapagtala ng 3,095 na katao na stranded, 19 na barko at 689 rolling cargoes.
Mayroon ding 4 na barko na pansamantalang nagkanlong para maging ligtas sa epekto ng bagyong Egay.
Samantala, sa mga pantalan sa Eastern Visayas, mayroong 1,767 na katao ang stranded, 7 barko, 333 rolling cargoes at 2 motorbancas.
Habang sa Southern Tagalog, 722 na katao ang stranded, 16 na barko, 224 rolling cargoes at 18 motorbancas.
Mayroon ding 35 barko at 61 motorbancas sa Southern Tagalog ang pansamantalang nagkanlong. (DDC)