DPWH naglaan ng “Libreng Sakay” para sa mga na-stranded sa Metro Manila
Nagkaloob ng “Libreng Sakay” ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa
mga apektado ng “Tigil Pasada”.
Umasiste ang DPWH – NCR sa mga apektadong commuter sa unang araw ng transport strike.
Umabot sa labingtatlong sasakyan ang ipinakalat ng DPWH sa iba’t ibang ruta sa Metro Manila kabilang ang Pasig, Marikina, Valenzuela, Manila, San Juan, Muntinlupa, Navotas, Las PiƱas, at Quezon City simula alas 7:00 ng umaga.
Tatagal ang pagbibigay ng Libreng Sakay ng DPWH hanggang sa July 26. (DDC)