Face mask sa MRT-3 boluntaryo na lang; mga pasahero pinapayagan ng makipag-usap habang nasa loob ng tren
Naglabas ng abiso ang pamunuan ng MRT-3 hinggil sa boluntaryo nang pagsusuot ng face mask sa mga tren.
Kasunod ito ng pagbawi na sa umiiral na State of Public Health Emergency sa bansa.
Ayon sa MRT-3, maaari na ding sumagot ng tawag at makipag-usap nang hindi nakakaabala sa ibang mga pasahero.
Ito ay base sa Department Order 2023-017 ng Department of Transportation (DOTr).
Samantala, ipinagbabawal pa rin ang pagkain at pag-inom sa loob ng mga tren. (DDC)