Senator Bong Go namahagi ng tulong sa 2,000 residente sa Naga City
Binisita ni Sen. Bong Go ang Naga City sa Cebu para mag-inspeksyon sa mga proyekto ng gobyerno at magbigay ng tulong sa mga indigent na residente.
Kasama ni Go ang mga lokal na opisyal kabilang sina Rep. Rhea Gullas, Gov. Gwendolyn Garcia at Naga City Mayor Valdemar Chiong nang bisitahin ang seawall project site, ambulance unit at iba pang multipurpose vehicles acquired na binili ng city government.
Kasunod nito ay nagsagawa si go ng relief operation sa tennis court sa Barangay Poblacion.
Nagbigay ang senador ng grocery packs, vitamins at masks sa 2,000 Cebuano.
Ilang residente din ang nakatanggap ng sapatos, shirts, mobile phones, relo, bisekleta bola ng basketball at volleyball.
Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng kooperasyon ng national at local government.
Binanggit din ni Go ang pagtatayo ng Super Health Centers sa bansa kung saan 19 ang nakatakdang itayo sa Cebu.
Layunin nitong mas mapabuti pa ang healthcare system sa bansa. (DDC)