Mahigit 3,000 stranded sa mga pantalan sa Bicol at Eastern Visayas

Mahigit 3,000 stranded sa mga pantalan sa Bicol at Eastern Visayas

Mahigit 3,000 katao na ang stranded sa mga pantalan sa Bicol Region at Eastern Visayas dahil sa bagyong Egay.

Ayon sa datos mula sa Philippine Coast Guard, sa mga pantalan sa Bicol, mayroong 3,104 na katao na stranded, 16 na barko at 477 rolling cargoes.

Mayroon ding 4 na barko na pansamantalang nagkanlong para maging ligtas sa epekto ng bagyong Egay.

Samantala, sa mga pantalan sa Eastern Visayas, mayroong 336 na katao ang stranded, 4 na barko at 113 rolling cargoes. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *