Barko sumadsad sa baybayin ng Agusan Del Norte; 24 na crew ligtas ayon sa PCG

Barko sumadsad sa baybayin ng Agusan Del Norte; 24 na crew ligtas ayon sa PCG

Rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa maritime incident sangkot ang domestic vessel nan LCT Pacifica 2 na sumadsad sa baybayin ng Barangay Cabinet, Cabadbaran City, Agusan Del Norte.

Ayon sa PCG, nagdeklara ang kapitan ng barko ng “abandoned vessel” matapos na hampasin ng malakas na alon ang barko dahil sa lakas ng hangin dulot ng bagyong Egay.

Ang naturang landing craft tank ay galing ng Socorro Port sa Surigao del Norte.

Ligtas naman ang 24 na crew ng barko kabilang ang kapitan nito.

Nagsasagawa na ng monitoring ang Marine Environmental Protection Group ng PCG sa posibleng oil spill na maaaring naidulot ng pagsadsad ng barko. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *