Bagyong Egay patuloy sa paglakas; Signal No. 2 nakataas sa bahagi ng Isabela at Catanduanes
Patuloy ang paglakas ng Typhoon Egay habang nananatili sa karagatan ng bansa.
Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 565 kilometers East ng Baler, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 140 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour.
Nakakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa sumusunod na mga lugar:
– southeastern portion of Isabela (Palanan, Dinapigue)
– northeastern portion of Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto)
Signal No. 1 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:
– Batanes
– Cagayan including Babuyan Islands
– rest of Isabela
– Quirino
– Nueva Vizcaya
– Apayao
– Kalinga
– Abra,
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– northern portion of Pangasinan (Natividad, San Nicolas, San Quintin, Sison, Pozorrubio, San Manuel, San Fabian, Anda, Bolinao, San Jacinto, Manaoag, Laoac, Binalonan, Asingan, Tayug, Santa Maria, Umingan, Dagupan City, Mangaldan)
– Aurora
– northern and eastern portions of Nueva Ecija (Carranglan, Bongabon, Gabaldon, Pantabangan, Lupao, San Jose City)
– northern and southeastern portions of Quezon (Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Calauag, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Guinayangan, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, General Nakar, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, Tagkawayan) including Polillo Islands
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– rest of Catanduanes
– Albay
– Sorsogon
– Masbate
Ngayong araw (July 24) sinabi ng PAGASA na makararanas ng 50 hanggang 100 millimeter na pag-ulan sa Catanduanes, northeastern portion ng Camarines Sur, at sa northern portion of Camarines Norte.
Dahil naman sa Habagat na pinalalakas ng bagyo, uulanin din ngayong araw ang CALABARZON, MIMAROPA, Visayas, at ang northern portions ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.
Bukas (July 25) ng gabi o sa Miyerkules (July 26) ng umaga inaasahang lalakas pa ang bagyo at magiging Super Typhoon.
Maaaring lumabas ito ng bansa sa araw ng Huwebes at magtutungo sa karagatang sakop ng Taiwan. (DDC)