MMDA nagkasa ng contingency plan para sa 3-day transport strike
Handa na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatupad ng kanyang mga hakbang para sa inaasahang tatlong araw na tigil-pasada na isasagawa ng mga transport groups simula bukas,July 24 kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Sa Batasang Pambansa.
Dahil dito,kasado na ang contingency plan ng Inter-Agency Task Force Monitoring Team ng MMDA para sa tatlong araw na transport strike.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes sa MMDA Communications and Command Center gagawin ang monitoring ng kaganapan sa panahon ng tigil- pasada.
Aniya gagawin din dito ang central dispatching ng rescue vehicles sa mga lugar na may mga pasaherong hirap sumakay.
Inihayag pa ng MMDA chief na una silang nag-imbentaryo ng kanilang mga sasakyan na pwedeng gamitin para sa mga mastranded na pasahero upang maserbisyuhan ng libreng sakay sa panahon ng transport strike. (Bhelle Gamboa)