Bagyong Egay lumakas pa isa ng Severe Tropical Storm ayon sa PAGASA
Lumakas ang bagyong Egay at naabot na ang Severe Tropical Storm Category.
Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 610 km East ng Daet, Camarines Norte.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour sa direksyong pa-kanluran.
Ayon sa PAGASA, ngayong araw (July 23) inaasahang bubuhos ang 50 hanggang 100 millimeter na ulan sa Catanduanes.
Bukas (July 24) ay aabot pa sa 100 hanggang 200 millimeter ang pag-ulang mararanasan sa lalawigan.
Uulanin din bukas ang Cagayan, eastern section of Isabela, Polilio Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, at Albay.
Ayon sa PAGASA, ngayong araw, posible nang magtaas ng Wind Signal sa ilang bahagi ng Bicol Region at Eastern Visayas.
Palalakasin din ng bagyong Egay ang epekto ng Southwest Monsoon o Habagat na magdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa sa susunod na tatlong araw.
Ngayong araw ng Linggo (July 23) magpapaulan ang Habagat sa MIMAROPA, Visayas, at sa northern portions ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.
Sa Lunes (July 24) makararanas din ng pag-ulan dahil sa Habagat ang CALABARZON, MIMAROPA, Visayas, Zamboanga Peninsula, at ang northern portions ng Northern Mindanao at Caraga.
Sa susunod na 24 na oras, inaasahang lalakas pa ang bagyo at aabot sa typhoon category.
Sa araw ng Martes, maaaring umabot pa ito sa super typhoon category. (DDC)