Face mask sa public transpo hindi na mandatory – DOH

Face mask sa public transpo hindi na mandatory – DOH

Hindi na mandatory ang pagsusuot ng face mask sa mga public transportation.

Kasunod ito ng pagbawi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa umiiral na state of public health emergency sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), dahil sa kautusan ng pangulo, “lifted” na din ang mga umiiral na COVID-19 protocols.

Kabilang dito ang nakasaad sa Executive Order No. 7 na nag-aatas ng pagsusuot ng face mask sa public transportation.

Sinabi ng DOH na ang tanging mananatili ay ang emergency use authorization (EUA) kaugnay sa mga bakuna, dahil kailangang ubusin ang natitira pang COVID-19 vaccines. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *