IATF magpapatawag ng “final meeting” kasunod ng pagbawi sa umiiral na state of public health emergency sa bansa
Magpapatawag ng pulong ang Inter Agency Task Force (IATF) kasunod ng pagbawi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa umiiral na state of public health emergency sa bansa dahil sa COVID-19.
Ayon kay Health Sec. Teodoro Herbosa, ang proklamasyon ng pangulo ay maituturing na positibong hakbang.
Sang-ayon ang kalihim na ang kasalukuyang sitwasyon ay hindi na nangangailangan na ituloy ang public health emergency status.
Sinabi ni Herbosa na magco-convene ang IATF para magdaos ng final meeting sa pormal na konklusyon ng public health emergency.
Kaugnay nito ay kinilala ni Herbosa performance at commitment ng Inter Agency Task Force at ang mga medical frontliner na nagpakita ng sakripisyo sa kasagsagan ng mga pagsubok na naranasan ng bansa dahil sa pandemya.
Paalala naman sa publiko ni Herbosa, kahit lifted na ang pag-iral ng state of public health emergency kailangan pa ring manatiling mapagmatyag at proactive.
Mas mainam pa ring ipagpatuloy ang ang pagsunod sa health protocols para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. (DDC)