Bagyong Egay lumakas pa; aabot na sa Severe Tropical Storm category sa susunod na mga oras

Bagyong Egay lumakas pa; aabot na sa Severe Tropical Storm category sa susunod na mga oras

Bahagya pang lumakas ang bagyong Egay at malapit na nitong maabot ang Severe Tropical Storm Category.

Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 585 km East Northeast ng Virac, Catanduanes o sa layong 705 km East ng Daet, Camarines Norte.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers per hour sa direksyong West northwest.

Ayon sa PAGASA, inaasahang bubuhos ang 100 hanggang 200 millimeter na ulan sa northern portion ng Catanduanes simula bukas, (July 24).

Sa Martes (July 25) makararanas naman ng 50 hanggang 100 na pag-ulan sa Camarines Norte, northern portion ng Camarines Sur, at sa nalalabing bahagi ng Catanduanes.

Ayon sa PAGASA, maaaring magtaas ng Wind Signal No. 3 o 4 sa Extreme Northern Luzon dahil sa bagyo.

Palalakasin din ng bagyong Egay ang epekto ng Southwest Monsoon o Habagat na magdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa sa susunod na tatlong araw.

Ngayong araw ng Linggo (July 23) magpapaulan ang Habagat sa MIMAROPA, Visayas, at sa northern portions ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.

Sa Lunes (July 24) makararanas din ng pag-ulan dahil sa Habagat ang CALABARZON, MIMAROPA, Visayas, Zamboanga Peninsula, at ang northern portions ng Northern Mindanao at Caraga.

Sa susunod na 24 na oras, inaasahang lalakas pa ang bagyo at aabot sa typhoon category.

Sa araw ng Martes, maaaring umabot pa ito sa super typhoon category. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *