Pag-iral ng State of Public Health Emergency sa buong bansa binawi na ni Pangulong Marcos

Pag-iral ng State of Public Health Emergency sa buong bansa binawi na ni Pangulong Marcos

Binawi na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-iral ng State of Public Health Emergency sa bansa.

Sa bisa ng Proclamation No. 297 na nilagdaan ng pangulo, nakasaad na lahat ng mga kautusan, memoranda, at iba pang issuances na ipinalabas kaugnay ng pag-iral ng State of Public Health Emergency ay kanselado na din.

Ang mga inisyung emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) base sa Executive Order (EO) No. 121 ay mananatili namang balido sa loob ng isang taon pa.

Ito ay para magamit pa ang natitira pang suplay ng bakuna.

Magugunitang noong March 2020 ng ipinalabas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 922 na nagdedeklara ng State of Public Health Emergency sa buong bansa dahil sa COVID-19 pandemic. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *