Bagyong Egay napanatili ang lakas; Tropical Cyclone Wind Signal posibleng itaas sa ilang bahagi ng Bicol Region at Eastern Visayas

Bagyong Egay napanatili ang lakas; Tropical Cyclone Wind Signal posibleng itaas sa ilang bahagi ng Bicol Region at Eastern Visayas

Napanatili ng bagyong Egay ang lakas nito habang nasa bahagi ng West Philippine Sea.

Ang tropical depression Egay ay huling namataan sa layong 835 kilometers East ng Southeastern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Ayon sa PAGASA, sa Linggo ng umaga hanggang Lunes ng umaga, ang bagyo ay magdudulot ng pag-ulan sa Catanduanes at sa Northern Samar.

Sa mga lugar na hindi direktang maaapektuhan ng bagyo, makararanas naman ng pag-ulan dahil sa Habagat.

Sa Linggo ng tanghali hanggang Lunes ng tanghali, makararanas ng pag-ulan sa Catanduanes at Northern Samar.

Ang Habagat naman ang magpapaulan sa western sections ng MIMAROPA at Visayas sa araw din ng Linggo.

Sa Lunes at Martes naman, magpapaulan din ang Habagat sa western sections ng Southern Luzon at sa Western Visayas.

Posibleng magtaas ang PAGASA ng tropical cyclone wind signal sa ilang lugar sa Bicol Region at Eastern Visayas.

Ayon sa PAGASA, sa susunod na 12-oras lalakas pa ang bagyo at magiging Tropical Storm.

Posibleng umabot din ito sa Super Typhoon category sa Lunes ng gabi o sa Martes ng umaga. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *