DOLE, MMDA lumagda ng kasuduan sa pagtukoy ng TUPAD beneficiaries
Nagkasundo ang Department of Labor and Employment (DOLE) at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagtukoy ng mga maaaring maging benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program o TUPAD program.
Ayon sa DOLE, maglalaan ito ng emergency employment sa 830 na
self-employed, “individuals engaged in elementary occupations”, at unpaid family workers na tutukuyin ng MMDA.
Layunin nitong masuportahan ang mga displaced workers sa Metro Manila.
Ang kasunduan sa pagitan ng dalawang ahensya ay nilagdaan nina DOLE Secretary Bienvenido E. Laguesma at MMDA Acting Chairman Atty. Don Romando S. Artes.
Ang mga matutukoy na benepisyaryo ay makatatanggap ng TUPAD shirts, safety gear, at cleaning materials.
Sasailalim din sila sa work and safety orientation.
Sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ang MMDA listahan ng beneficiaries, job descriptions, consolidated budget proposal, at iba pang impormasyon na kailangan ng DOLE.
Ang mga matutukoy na TUPAD program beneficiaries ay magsasagawa ng paglilinis sa mga public schools, kabilang ang pagtatanim, paglilinis ng kanal at estero, drainage, paglalagay ng manhole, classroom repairs at iba pang kailangang gawin bago ang pagbubukas ng School Year 2023-2024. (DDC)