21 motorsiklo ibinigay sa MMDA para magamit sa bubuksang Motorcycle Riding Academy
Lumagda sa kasunduan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Honda Philippines Incorporated para sa pagtutulungan sa bubuksang Motorcycle Riding Academy sa Pasig City.
Nagbigay ng 21 motorsiklo ang Honda para magamit ng mga sasailalim sa practical training sa ilalim ng Motorcycle Academy.
Kabuuang 50 motorsiklo ang ido-donate ng Honda sa MMDA.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, magsasagawa din ang Honda ng assessment hinggil sa kakayahan ng mga instructor ng MMDA sa pag-mentor at pag-coach sa mga sasailalim sa training.
Una rito ay pinayagan ng Government Service Insurance System (GSIS) na ipagamit sa MMDA ang pag-aari nitong lote para sa bubuksang academy.
Batay sa 2018 Metro Manila Accident Reporting and Analysis System (MMARAS), ang motorsiklo ang may pinakamataas na bilang ng naitatalang road fatalities na uabot sa 38 percent o 224 fatalities.
Mula noong 2020 hanggang 2022 ay nakaaalarma pa rin ang datos ng motorcycle fatalities na mayroong 275 fatalities o pagtaas na 23 percent mula sa 2018 data. (DDC)