Pangulong Marcos dumalo sa Change of Command sa AFP
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Change of Command sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kasabay ang Retirement Ceremony para kay General Andres Centino sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.
Ginawaran ni Pangulong Marcos ng Presidential Legion of Honor Award, Command Plaque, Plaque of Honorable Service, Framed Medals, Pagpupugay sa Kawal Pilipino Plaque, Plaque of Appreciation at ipinagkaloob ang encased Philippine Flag kay outgoing AFP Chief of Staff Centino.
Si Centino ay itinalaga ng pangulo bilang Presidential Adviser on the West Philippine Sea.
Papalit naman sa kaniya bilang AFP chief si Lieutenant General Romeo Brawner Jr. (DDC)