Mas madalas na aktibidad naitala ng Phivolcs sa Mt. Kanlaon
Nakapagtala ng mas madalas na aktibidad ang Phivolcs sa Mt. Kanlaon sa Negros.
Sa inilabas na volcano advisory ng Phivolcs, nakapagtala ng 25 volcanic earthquakes sa Kanlaon simula alas 10:00 ng gabi ng Huwebes (July 20) hanggang alas 9:00 ng umaga ng Biyernes (July 21).
Nakitaan din ng short-term inflation ang bulkan simula noong March 2023.
Habang ang sulfur dioxide mula sa summit crater ng bulkan ay umabot sa average na 786 tonnes per day noong July 18.
Nananatiling nasa Alert Level 1 ang Mt. Kanlaon.
Sakaling tumaas pa ang naitatalang aktibidad sa bulkan ay itataas ng Phivolcs ang Alert Level 2.
Pinaalalahanan ang publiko na iwasan ang pagpasok sa loob ng 4 kilometer Permanent Danger Zone ng bulkan. (DDC)