AFP binati ang bagong talagang chief of staff na si LtGen Romeo Brawner Jr.
Welcome sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay LtGen Romeo Brawner Jr. bilang bagong chief of staff ng AFP.
Sa pahayag, tiniyak ang suporta ng 145,000-strong AFP sa incoming chief of staff.
Ayon sa AFP, napatunayan na ni Brawner ang kaniyang liderado at hindi matatawarang performance sa mga ginampanan niyang tungkulin.
Nagpasalamat din ang AFP kay outgoing chief of staff General Andres Centino at binati ito sa bagong posisyon bilang Presidential Adviser on the West Philippine Sea. (DDC)