Consular Office ng DFA sa Marquee Mall, Angeles City, ililipat sa SM City Clark simula Aug. 1
Simula sa Aug. 1, 2023 ay ililipat na ang Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Angeles mula sa Marquee Mall patungo sa SM City Clark.
Ayon sa DFA, ititigil na ang operasyon ng kanilang CO sa Marquee Mall.
Sisimulan naman ang kanilang operasyon sa SM City Clark Expansion.
Ang bagong DFA Consular Office Angeles ay matatagpuan na sa 4th Floor, BPO Tech Hub Tower 10 ng SM City Clark Expansion, CMAR, Mabalacat City simula sa Aug. 1.
Bukas ito mula 10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Sa Aug. 1 at 2, wala munang isasagawang passport processing para mabigyang-daan ang pag-set up ng temporary office at mga gamit.
Ang processing ng pasaporte ay sisimulan sa August 3, 2023. (DDC)