Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.8 na lindol
Tumama ang magnitude 4.8 na lindol sa lalawigan ng Davao Occidental.
Ang pagyanig ay naitala ng Phivolcs sa layong 429 kilometers southeast ng Sarangani Island, 7:08 ng umaga ng Huwebes, July 20.
May lalim na 232 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito magdudulot ng aftershocks. (DDC).