Illegal wildlife traders naaresto sa pagbebenta ng mga Myna sa GenSan City

Illegal wildlife traders naaresto sa pagbebenta ng mga Myna sa GenSan City

Dalawang katao ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group, Regional Maritime Unit 12 at nailigtas naman ang apat na Myna na tinangka nilang ibenta.

Sa pakikipagtulungan sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) General Santos City apat na Common Hill Myna (Gracula religiosa) ang nailigtas sa ikinasang buybust operation sa Asai Subdivision, Barangay Bula, General Santos City.

Ang nasabing mga ibon na galing ng Palawan ay nakuha mula sa dalawang illegal wildlife traders na halos dalwang linggong minanmanan ng PNP Maritime.

Nakakulong na ang dalawa sa sa General Santos City Police Office dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9147.

Matapos ang isinagawang documentation, dinala naman ang mga Myna sa City Veterinary Office at nakatakdang pakawalan sa kanilang natural habitat. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *