150 na motorista huli sa pagdaan sa EDSA Busway
Umabot sa 150 motorista ang naisyuhan ng tiket sa ikinasang operasyon ng lnterAgency Council for Traffic – IACT sa EDSA Busway sa bahagi ng Tramo Station.
Ang nasabing bilng ng mga violators ay nahuli ng I-ACT simula lamang 6:00 hanggang 8:30 ng umaga ng Huwebes, July 20.
Disregarding Traffic Sign (DTS), sa ilalim ng RA 4136, ang natanggap na violations ng mga natiketan.
Paalala ng Department of Transportation (DOTr) sa mga motorista, ang EDSA Busway ay isang dedicated lane para lamang sa mga bus at sa marked emergency vehicles. (DDC)