Dating 1-UTAK Partylist Rep. Vigor Mendoza II itinalaga bilang bagong LTO chief
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Cong. Vigor Mendoza II bilang bagong pinuno ng Land Transportation Office (LTO).
Inanunsyo ito ng Presidential Communications Office (PCO).
Si Mendoza ay dating kinatawan ng United Transport Alliance Koalisyon partylist (1-UTAK).
Sa July 24 isasagawa ang turnover ceremony sa LTO sa mismong araw din ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos. (DDC)