MMDA naglabas ng traffic management plan para sa ikalawang SONA ni PBBM

MMDA naglabas ng traffic management plan para sa ikalawang SONA ni PBBM

Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng kanyang planong pamamahala sa trapiko para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Batasang Pambansa sa Batasan Hills, Quezon City sa darating na Lunes, July 24.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na naatasan ang kanyang 1,354 na tauhan na magmando ng daloy ng mga sasakyan at mga tao; umasiste sa pagtugon sa panahon ng emergency; magsagawa ng road and sidewalk clearing operations; umasiste sa dadagsang tao; traffic monitoring; at suportahan ang mga operasyon ng Task Force SONA 2023, Philippine National Police, Quezon City Police District, Presidential Security Group, at lokal na pamahalaan ng Quezon City upang siguruhing mapayapa at maayos na SONA.

“Preparations are in full swing for us to ensure that traffic will be orderly along Commonwealth Avenue, IBP Road, and all other thoroughfares surrounding the House of Representatives. SONA-related activities as well as transport strike will be monitored at the newly inaugurated MMDA Communications and Command Center,” sabi Artes.

Bilang bahagi ng kanyang traffic management plan, ang MMDA ay magpapatupad ng zipper lane o counterflow sa southbound portions ng Commonwealth Avenue para magbigay- daan sa mga sasakyan ng mga opisyal ng pamahalaan at panauhin na magtutungo sa complex kung kinakailangan.

Pinapaalalahanan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang maiwasan ang matinding bigat ng trapik sa Commonwealth Avenue at sa bisinidad ng Batasang Pambansa Complex sa kasagsagan ng SONA.

Narito ang mga sumusunod na alternatibong ruta:

NORTHBOUND (Quezon Memorial Circle hanggang Fairview)
• Ang mga sasakyang galing sa Elliptical Road ay dapat na dumaan sa North Avenue, kanan sa Mindanao Avenue, kumanan muli sa Sauyo Road o dumaan sa Quirino Highway hanggang makarating ang destinasyon.

SOUTHBOUND (Fairview hanggang Quezon Memorial Circle)
• Ang mga sasakyang magmumula sa Commonwealth Avenue ay daraan sa Sauyo Road o Quirino Highway, kaliwa sa Mindanao Avenue, kumaliwa sa North Avenue hanggang sa destinasyon.

Para sa LIGHT VEHICLES
• Ang mga light vehicles buhat sa C5 Road ay kakaliwa sa Magiting St., kanan sa Maginhawa St., kaliwa sa Mayaman St. hanggang Kalayaan Avenue hanggang marating sa destinasyon.

Para sa TRUCKS
• Ang lahat ng mga trak na manggagaling sa C-5 sa kahabaan ng Katipunan Avenue ay maaaring dumaan sa Luzon Flyover bago kaliwa sa Congressional Avenue hanggang marating ang destinasyon.

Ipapatupad din ng MMDA ang “no day off, no absent” policy para sa mga tauhang itinalaga sa SONA. Ididispatch ng ahensiya ang mga ambulansiya, tow trucks, mobile patrol units, motorcycle units, at flood mitigation equipment sa mga itinakdang mga ruta at staging areas.

Sa koordinasyon sa Quezon City government, paiigtingin ng MMDA ang clearing operations upang tanggalin ang lahat ng uri ng mga sagabal sa kalsada kabilang na ang mga ilegal na nakaparadang sasakyan para siguruhing malayang madaraanan ang mga alternatibong ruta.

Magkakabit din ng mga traffic advisory signage sa mga alternatibong ruta upang gabayan ang mga motorista.Habang ang idedeploy na mga audiovisual trucks sa strategic locations ay magpapakita ng policy programs ng MMDA at ng live speech o talumpati ng Pangulo.

Maglalagay naman ng plastic barriers at traffic cones sa mga zipper lanes at apektadong mga kalsada. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *