Nakaambang na krisis sa tubig at El Niño pinaghahandaan ng MMDA at MMDRRMC

Nakaambang na krisis sa tubig at El Niño pinaghahandaan ng MMDA at MMDRRMC

Nagsagawa ng full council meeting ngayong araw ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) patungkol sa preparasyon sa nakaambang na krisis sa tubig at El Niño phenomenon.

Pinangunahan ni MMDA Acting Chairman at concurrent MMDRRMC Chairperson Atty. Don Artes, kasama sina MMDRRMC Senior Vice Chairperson Office of Civil Defense – NCR Regional Director Romulo Cabantac Jr., MMDA Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas, at MMDA Assistant General Manager for Planning Officer-in-Charge Atty. Victor Pablo Trinidad ang naturang pulong.

Sinabi ni Chairman Artes na magpo-procure ang MMDA ng rainwater catchment basin para sa mga pampublikong paaralan at barangay upang makontrol ang pagbaha.

Mahalaga rin aniya na malaman kung paano mare-regulate ang paggamit ng tubig.

Iprinisinta ng DOST-PAGASA ang sea surface temperature anomalies at model guidance forecast ng El Niño.

Samantala, tinalakay ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang historical elevation ng Angat Dam na sa kasalukuyan ay nasa above minimum operating level.

Inilatag naman ng National Water Resources Board (NWRB) ang mga kinakailangang aksiyon upang matugunan ang epekto ng El Niño gaya ng pagsasagawa ng cloud seeding operations. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *