Kontrabando isinuko ng PDL sa BuCor official

Kontrabando isinuko ng PDL sa BuCor official

Isinuko ng isang Person Deprived of Liberty (PDL) ang mga ilegal na kontrabando na natagpuan sa loob ng detention facilities ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ikinatuwa ito ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. dahil ang isinusulong na reporma ng BuCor ay unti-unti nang nauunawaan ng mga PDL at ngayon ay nakikipagtulungan sa kanyang administrasyon.

Ayon sa natanggap na ulat ni Catapang kay J/Insp. Angelina L. Bautista, BuCor Deputy Director for Operations at NBP Acting Superintendent, na personal na isinuko ni PDL Robert Gamboa ang isang pouch na naglalaman ng anim na pakete ng umano’y shabu at iba pang drug paraphernalia na nakasilid sa dalawang pineapple cans kabilang ang improvised water pipe, improvised transparent glass tooter, improvised transparent glass tube at hindi pa mabilang na empty plastic sachet na agad dinala sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Section para sa wastong dokumentasyon bago itinurn over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa isinagawang pagtatanong,tumanggi si PDL Gamboa na tukuyin ang source ng mga ilegal na kontrabando at piniling manatiling tahimik.

Ang nasabing PDL ay inilipat mula maximum security compound patungong medium security compound para sa seguridad na kadahilanan.

Sinabi ni Bautista na kailangan nilang maging mas istrikto sa kanilang mga tauhan at sa mga bisita ng PDLs dahil pruweba aniya ito na ang mga ilegal na kontrabando at hindi ito mangyayari kung walang sabwatan sa BuCor personnel na nagmamando sa inspection areas.

“Yan ang hirap hindi makakapasok yan kung walang connivance ng BuCor personnel kaya ang ginawa na namin ay kinausap na yung mga PDLs na sila na mismo ang magturo or mag turn over ng mga illegal contrabands na ipinapasok o pinapalusot galing sa labas,” sabi ni Bautista.

Marami pang dapat gawin sa reporma ng BuCor personnel at ginagawa na ang hakbang sa pamamagitan ng pag-schedule ng value formation seminars na kanilang inaasahang mapagbuti hindi lamang ang kabutihang asal kundi ang pamamahala ng maayos ang kanilang mga trabaho bilang corrections officers, idinagdag pa ni Bautista.

Ibinunyag pa ni Bautista na sa kanyang pakikipagpulong kahapon sa 14 Barangay chairmen (dating mayores) ng maxsecom, isa rito sa ang nagpabatid sa kanya na nakakumpiska siya ng maliit na halaga ng shabu mula sa kanyang subordinate at nakatakdang iturn over ito bilang pakikiisa sa vision at mission ng BuCor na hindi lamang sa pagrereporma sa PDLs subalit sa sarili din nitong mga tauhan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *