Publiko binalaan sa laban sa ilang indibidwal na nanghihingi ng pera kapalit ng tulong mula sa OVP
Binalaan ng Office of the Vice President (OVP) ang publiko hinggil sa ilang indibidwal o grupo na nagpapakilalang taga-OVP at nanghihingi ng pera.
Ayon sa abiso ng OVP, sa ulat na nakarating sa tanggapan, mayroong indibidwal sa Himamaylan, Negros Occidental na nanghihingi ng P50 sa mga nais makakuha ng tulong mula kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ng OVP na isa itong scam.
Kung may ganitong karanasan, maaari itong i-report sa kinauukulan.
Ayon pa sa pahayag, ang mga programa ng OVP ay maaaring mabatid sa pamamagitan ng kabilang official platforms, sa OVP Central Office, at sa Satellite Offices.
Maari ding bisitahin ang official social media accouts na:
http://facebook.com/TanggapanNgPangalawangPangulo at http://facebook.com/MayorIndaySaraDuterteOfficial (DDC)