60,000 Motor Vehicle Plates ide-deliver sa LTO kada linggo para matugunan ang kakapusan sa suplay ng plaka

60,000 Motor Vehicle Plates ide-deliver sa LTO kada linggo para matugunan ang kakapusan sa suplay ng plaka

Mahigit 100,000 motor vehicle plates ang natapos na ng kumpanyang nagsu-suplay ng plaka sa Land Transportation Office (LTO).

Personal na tinanggap ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista at LTO OIC Assistant Secretary Hector A. Villacorta ang 108,400 na motor vehicle plates sa LTO Central, East Avenue, Quezon City.

Bahagi ito ng initial shipment ng mahigit 16 million na plaka na binili ng DOTr sa winning bidder na Trojan-Tonnjes Joint Venture.

Para matugunan ang backlog sa plaka ng mga sasakyan, nangako ang supplier na magde-deliver ng minimum na 60,000 Motor Vehicle plates kada linggo.

Ayon kay Bautista, umabot sa P3.8 billion ang inilaang pondo para sa mga plaka.

Nakatipid aniya ang gobyerno ng P1.4 billion dahil P5.2 billion ang inaprubahang estimate ng halagang magagastos sa procurement. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *