HPV vax drive ng Las Piñas pinalakas

HPV vax drive ng Las Piñas pinalakas

Pinalakas ng Las Piñas City Government ang kanyang hakbang sa pagprotekta sa kalusugan at kapakanan ng mga kabataang babae sa lungsod.

Magsasagawa muli ng Human Papilloma Virus (HPV) vaccination drive ang City Health Office para sa mga kabataang babae na may edad 9 hanggang 12-taong gulang.

Hinihikayat ang mga magulang ng mga batang nasa grupong edad, bukas din ito sa mga residente at estudyante sa lungsod na lumahok sa naturang programa.

Layunin ng kampanya na protektahan ang kabataang babae sa banta ng panganib sa kanilang kalusugan mula sa HPV.

Binigyang-diin ng mga otoridad pangkalusugan ang kahalagahan ng pagbabakuna ng HPV sa panahon ng kabataan at sa nasabing grupong edad ay may matatag na resistensiya sa pagtugon sa bakuna, at magbibigay ng pinakamainam na proteksiyon laban sa HPV strains na maaaring magdulot ng potensiyal na mga isyung pangkalusugan sa buhay kalaunan.

Inaanyayahan din ang mga magulang na may anak na babae na hindi pa nakatanggap ng HPV vaccine at sa mga hindi pa nakakakuha ng iba pang bakuna sa nakalipas na buwan.

Ang mga magulang ay hinihikayat na dalhin ang immunization records ng kanilang mga anak sa itinakdang vaccination centers para masiguro ang tamang dokumentasyon ng kasaysayan ng kanilang bakuna. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *